Human Launches Billy Crawford’s Own Line of Perfume
By Mell T. Navarro
Photos by Carlos Antonio Creencia
PARA kay Billy Crawford, ang kanyang 27th birthday last year (2009) ay ang pinaka-memorable, so far. Marami nga kasing dapat na ipagpasalamat si Billy s akanyang kaarawan last year, at ang espesyal na birthday celebration niyang ‘yon ay nagsimula sa ASAP kunsaan nakasama niya ang kanyang loyal and loving fans.
Kay daming bumati sa kanyang mga kaibigan sa show. Isa pa, pagkalipas ng ilang buwan, inamin na rin sa wakas ni Billy ang kanyang natatanging pag-ibig para kay Niikki Gil na pinakamamahal ng singer-host-dancer.
“I’m not getting any younger, I’m happy with my life right now, and I think there’s nothing wrong naman if I tell you the truth… I love Nikki!” declares Billy sa kanyang TV interviews.
That same afternoon sa activity center ng Trinoma Mall in Quezon City, isang special birthday gift ang binigay kay Billy ng HUMAN, one of his endorsements – at ito ay ang sarili niyang line ng perfume!
Ang event na ‘yun nga ay ang media launch ng “FLY” — Billy Crawford’s own line of cool cologne. Human — the brand which is known for its hip designs for today’s young generation — ay meron na ngang “FLY” cologne ni Billy, na mabibili sa Human stores nationwide.
“I’ve been around, pero ngayon lang po ako talaga nag-enjoy nang husto sa brithday ko… Before, I used to be just a dancer and performer in Europe and here in the Philippines as well. I really can’t believe it until now that I am endorsing Human… and now, I’m very happy… May pabango na po ako!” masayang sabi ni Billy na sobrang thankful sa kanyang manager na si Arnold Vegafria at sa ABS-CBN.
Sa show, as expected, humataw sa sayaw ang world-class na pagka-dancer ni Billy na sumikat rin sa Europe bago siya tuluyang magbalik-Pilipinas. Kabilang na si Billy sa Filipino celebrities with own line of perfumes tulad nina Richard Gomez and Lucy Torres-Gomez, Kris Aquino, Piolo Pascual. Sumunod rin sina Richard Gutierrez and Dingdong Dantes for Bench sa mga sumunod na buwan last year.
Um-attend sa launch ang Bench big boss Ben Chan, talent manager Douglas Quijano (SLN), Richard Gomez, Marvin Raymundo, at Enchong Dee.
Related posts:
~-: I am very thankful to this topic because it really gives great information ,;;